Articles on: WitherPanel
This article is also available in:

Pag-access sa mga file gamit ang sFTP

Sa article na ito, matututunan mo kung paano i-access ang SFTP ng iyong server.
Upang makapagsimula, kailangan mong mag-install ng SFTP client, gaya ng FileZilla, o WinSCP. Makakakita ka ng kani-kanilang direct link para ma download ito.



Ito ay mga direct link sa pag-download para sa WinSCP at FileZilla para sa Windows OS. Kung mayroon kang isa pang OS, pwede kang mag-browse sa site upang mahanap ang iyong version na para sa OS mo at ito ay ma i-download!
WinSCP: Download at - https://winscp.net/download/WinSCP-5.17.9-Setup.exe
FileZilla: Download at - https://filezilla-project.org/download.php

Filezilla



Buksan ang FileZilla kapag natapos na itong mag-download at dapat itong magmukhang ganito:



Sa kaliwang banda, i papakita nito yung files sa computer mo.
Ang mahahalagang patlang na dapat nating bigyang pansin ay ang nangungunang 4 na patlang.



Ngayon, pumunta sa iyong panel dashboard sa wither hosting, at pumunta sa iyong server. Pagkatapos, i-click ang settings, para makapunta sa pag-login sa sFTP
Pagkatapos, kopyahin/i-paste ang address ng koneksyon gaya ng ipinapakita sa ibaba, hindi kasama ang ":2022" at i-paste ito sa field na host.



Pagkatapos, kopyahin ang iyong username at i-paste ito sa username.



Ngayon, ilagay mo and iyong panel's password sa password field, at ang port 2022 naman ay para sa port field. Pagkatapos pwede mo na i-click ang Quick Connect

Kung sakali man na may lumabas na window na may babala na nagsasabing "It's connecting to an untrusted server", maaari ka lamang magpatuloy at mag-click sa YES. Walang mangyayari sa iyong server.

Dapat ay nakakonekta ka na ngayon sa iyong server at pwede mo na ma access ang lahat ng iyong mga file!

WinSCP



WinSCP ay pwede lamang para sa mga Windows users
Buksan ang WinSCP, ang nakikita mo ay dapat ganito:



Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang “new session". May window na lalabas na parang ganito, kung hindi, tiyakin kung naka setup ang lahat ng tama:


Ngayon, pumunta sa iyong panel dashboard sa wither hosting, at pumnta sa server mo. Pagkatapos, i-click ang settings tab, para makuha ang sFTP login details

Copy/paste mo ang iyong connection address sa hostname field:



Copy/paste mo ang username sa username field:



Pagkatapos, ilagay mo and iyong panel's password sa password field, at ang port na 2022 sa port field. Ngayon, i-click ang login.

Kung sakali mangyari man na, nag pakita ito ng isang babala na nag sasabi "It's connecting to an untrsted server", pwede kalang mag patuloy at i-click ang YES. Walang mangyayaring sa server mo. At sa uulitin, i-click lang ang yes, Pagtapos ikaw dapat ay naka logged in na!

Updated on: 11/06/2022

Was this article helpful?

Share your feedback

Cancel

Thank you!